Lunes, Pebrero 8, 2016

BALER Getaway


Happy long weekend. February 06-07 Baler Getaway with my Corporate Service Department Family

Febuary 06, 2016. First day. 2am meeting time sa office. Sobrang aga. Manila to Bulacan to Pampanga to Nueva Ecija to Aurora, After 6hrs of travel nakarating nadin sa destination.

Barangay Sabang Beach Resort. Lets Surf. Ganda ng alon.No wonder ito tinawag na Surfing Capital of the Philippines  Nakisama pa wheather di mainit.

Ermita Hill. Taas ng aakyatin. Diko na binilang step. Basta heto na pinakamataas na grotong inakyatan ko. Every side kita mo view ng dagat. Nakaka amazed lalo na kapag nagsasalpukan ang alon at mga bato. At the top isang malaking cross.

Rock Formation. Sarap mag rock climing (kung pwede nga lang). Ingat lang madulas bato at malakas ang alon.

Baler Light House. Akyatan uli. dito walang stair. Hill talaga aakyatin mo. At the top ang lighthouse. Sarado kaya nag over the bakod kami para lang maakyat ang light. At the top of the tower Solar panel nagpapatakbo sa light house. Sobrang lakas ng hangin. Anytime pwede ka tangayin. Hirap tuloy mag selfie.

Balik sa Brgy. Sabang. Kung pagod na, pwede ng matulog. Kung hindi pa Night swimming the best. Ingat lang wag masyadong lumayo baka lamunin ka ng dagat sa lakas ng alon.

Second day
Huling sulyap sa dalampasigan

Baler Museum. Reminisce the past. Take selfie from the history. Make History
Baler Catholic Church. Amen

Souviner. Shopping shopping shopping (sila)
Dalaw at makikain sa relative ng kasama namin
Dalaw sa branch ng company namin sa Baler (bawal complain)

Cunayan Falls. Di nanamin pinuntahan mother falls. daming tourista daw at haba ng trekking di na kaya ng mga senyor citizen kung kasama.
Pero dito sarap ng tanawin. sarap ng tubig (ano sinabi ng summit,at wilkins). Lamig. Then may other falls sa taas, Mas malakas ang bagsak. mas malilim dahil sa mga puno at baging. Mahirap nga lang puntahan. kaya kapag pinuntahan nyo, solo ng group nyo kapag nakarating kayo doon.

Balete Tree. Millennium Tree. So sobrang tanda ng puno nato. Naging tourist attacktion na. Kung may naninirahan mang engkanto doon malamang nag evacuate na sa dami ng taong pumapanhik, pumapasok at nagbabaging.

Uwian time. Feb 07 4pm. Pagod.


Entrance Fee\:

Sabang Beach- Free
Ermita Hill- Free
Rock Formation- Free
Baler Light House- P10.00
Baler Museum- P30.00
Cunayan Falls- P20.00
Balete Tree- P15.00

Other fees:
Surf Board- P200, P300 with trainor for 1hr
Buko juice-P20.00
Cottage- P200.00
Guide to other Falls- P150.00
T-shirt- P140.00
Keychain- 4 for P50.00
Suman- 3 tumpok for P100.00
Bukayo- 3 for P50.00
Dialyn's Bakeshop- 10-30 pesos each. Highly recommended


Febuary 08, 2016- Kung Hei Fat Choi. Pahinga mode


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento